Mga residente ng Rodriguez, Rizal tumanggap ng ayuda mula sa DSWD

Mga residente ng Rodriguez, Rizal tumanggap ng ayuda mula sa DSWD

PINANGUNAHAN ni Sen. Bong Revilla, at Agimat Party-list Congressman Bryan Revilla, at Gov. Nina Ynarez, ang pamamahagi ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga nabiktima ng Bagyong Carina at Habagat.

Ang bayan ng Rodriguez sa probinsiya ng Rizal ay isa sa mga mababang lugar na madalas tamaaan ng kalamidad kapag may bagyo sa bansa.

Ayon kay Sen. Revilla, bukas ay magkakaroon sila ng pagdinig sa Senado upang pag-usapan ang naganap na malawakang pagbaha hindi lang sa Rodriguez Rizal maging sa buong Metro Manila.

Nangako naman si Revilla, sa mga taga-Rodriguez Rizal na gagawa siya ng paraan upang hindi na bahain ang nasabing lalawigan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble