INILIKAS ng Philippine Coast Guard (PCG), PNP Talisay, BFP Talisay, at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ang humigit-kumulang 60 residente ng Taal Island.
Ito ay bilang pag-iingat sa posibleng banta ng Bulkang Taal matapos maitala ang muling pagtaas ng aktibidad nito sa nakalipas na dalawampu’t apat na oras.
Ayon sa PCG, panandaliang mananatili ang mga inilikas sa City Social Welfare and Development Office ng Talisay, Batangas habang binabantayan ang seismic activity ng bulkan sa mga susunod na oras.
Bukod sa pagpapalikas sa mga residente, inispeksyon din ang paligid ng Taal Island para makapagsagawa ng karagdagang precautionary measure sa mga susunod na oras at araw.