Mga residente sa Alicia, Bohol hindi ipagbibili ang boto para sa ayuda

Mga residente sa Alicia, Bohol hindi ipagbibili ang boto para sa ayuda

SA Alicia, Bohol, tiniyak ng mga residente ang suporta sa Duterte Senatorial Slate ng PDP-Laban nang hindi ipinagbibili ang kanilang boto.

Kahit saang panig ng Pilipinas, hindi matatawaran ang ipinapakitang suporta ng mga Pilipino sa spiritual leader at founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at senatorial candidate, Pastor Apollo C. Quiboloy, pati na rin sa Duterte Senatorial Slate.

Sa malawakang pagtitipon na isinagawa sa ilalim ng “Ayusin Natin ang Pilipinas” Nationwide Campaign Rally, kapansin-pansin ang matibay at buong pusong suporta ng mga Pilipino sa mga kandidato ng PDP-Laban.

Ang masungit na panahon ay hindi naging hadlang para sa mga residente ng Alicia, Bohol, dahil nakadalo pa rin sila sa nabanggit na campaign rally upang personal na mapakinggan ang mga plataporma at plano ng buong Duterte Senatorial Slate.

Pagod na umano ang mga Pilipino sa paulit-ulit na mga kandidato na magaling lamang sa pangako ngunit malayo sa gawa.

“Sa ngayon, walang kasiguraduhan dahil sa maraming nagaganap na krimen, tulad ng panggagahasa. Marami nang krimen ang nangyayari. Hindi tulad noong panahon ni Tatay Digong na maaari kang maglakad nang mapayapa,” ayon kay Rody Tuslo Supporter.

Para naman kay Marivic Tamayo, hindi matutumbasan ng anumang halaga ang prinsipyo niya sa pagboto at hindi kailanman ito magpapadala sa mga pangakong ayuda.

Pipiliin aniya nito ang isang lider na seryoso o sinserong nagmamalasakit at nagmamahal sa mga mahihirap gaya ng Butihing Pastor.

“Iboboto ko si Pastor Quiboloy dahil siya ay tapat na tao. Magaling talaga si [Pastor] Quiboloy, mabuti siyang Pastor. Iboboto ko siya dahil nakita ko ang kanyang mga plataporma at maganda rin ang mga ito,” ayon kay Marivic Tamayo Supporter.

Kahit ano pang alegasyon ang ipahid kay Pastor Apollo C. Quiboloy, hinding-hindi maitatago ang ipinapakitang suporta ng mga Pilipino sa kaniya dahil lalo pa nga itong lumalakas sa paglipas ng mga araw.

Ang mga plataporma niyang zero corruption, pagsugpo sa ilegal na droga, kriminalidad, at kahirapan ang hinangaan ng mga residente sa Alicia.

Para kay Alicia, Bohol Mayor Victoriano Torres III, ibang-iba ang butihing Pastor at ang buong Duterte Senatorial Slate sa ibang mga kandidato.

“Ibang-iba talaga kasi ‘yung iba ay mukhang pera eh. Idol ko rin si Pastor at tsaka mabait ‘yun kitang-kita naman sa mga tao na mahal na mahal siya, kasi may malasakit sa mga mahihirap,” wika ni Mayor Victoriano Torres III Alicia, Bohol.

Hindi maipagkakaila—ibang-iba na anila ang panahon ngayon sa ilalim ng Marcos government kumpara sa panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble