Mga residente sa Thailand, pinayuhang manatili muna sa bahay dahil sa air pollution

Mga residente sa Thailand, pinayuhang manatili muna sa bahay dahil sa air pollution

PINAYUHAN ang mga residente sa Bangkok, Thailand maging sa mga karatig probinsya na manatili sa kani-kanilang mga tahanan kung hindi naman kailangang lumabas.

Sa pahayag ng Environment Department ng Bangkok Metropolitan Administration (BMA), ito’y dahil sobrang taas na ng lebel ng air pollutant na PM2.5 sa hangin ng capital city ng bansa.

Sakali mang kailangang lumabas ay pinayuhan ang mga ito na magsuot ng face mask.

Tinatayang aabot pa sa January 31 o February 1 ang mataas na lebel ng air pollutant na ito sa Bangkok.

Ang PM2.5 ay isa sa pinakamasamang uri ng air pollution.

Sakaling malanghap ito at manatili sa dugo nang matagal ay maaaring magkakaroon ng cardiovascular at respiratory diseases ang isang tao.

 

Follow SMNI News on Twitter