Mga responsable sa pag-atake sa militar sa Northern Samar, tinutugis na ng pulisya

Mga responsable sa pag-atake sa militar sa Northern Samar, tinutugis na ng pulisya

NAGSASAGAWA ang Philippine National Police (PNP) ng hot pursuit operations laban sa mga nasa likod ng landmine attack sa militar sa Northern Samar.

Nasugatan ang 5 sundalo ng Mobile Community Support and Sustainment Program (MCSSP) ng 20th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Nabatid na nakibahagi ang mga sundalo sa Barangay Water System Project sa ilalim ng Support to Barangay Development Program 2022 ng NTF-ELCAC sa Brgy. Quirino, Las Navas nang mangyari ang pag-atake.

Ayon kay PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr., inatasan niya ang pulisya sa Northern Samar at mga karatig na lalawigan na magsagawa ng checkpoint operations para mahadlangan ang mga tumatakas na suspek.

Habang ang mobile patrol team ay sinusuyod ang mga lokal na ospital at klinika para sa posibleng mga sugatang suspek.

Follow SMNI News on Twitter