Mga retailer umaaray sa mataas na presyo ng baboy mula sa mga dealer

Mga retailer umaaray sa mataas na presyo ng baboy mula sa mga dealer

PATULOY na umaaray ang mga vendor sa Pasig City Mega Market dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng baboy mula sa kanilang mga dealer.

 

Bunsod upang mapipilitan silang magtaas din ng presyo ng baboy na ititinda nila sa kanilang mga kostumer sa Palengke.

 

Ang dating presyo na P137 nakaraang Marso ay umabot na sa P200 pataas.

 

Kaya sa bawat kilo ng laman ng baboy ay 260 na ang bigay nila sa kustomer samantalang ang liempo ay 300 pataas naman ang presyuhan.

 

Ayon sa mga vendor pahirapan na din ngayon sa pagkuha ng baboy lalo pa’t marami sa mga local farm ang hindi na masyadong nag-aalaga ng baboy dahil sa takot sa African Swine Fever (ASF).

 

Pero nilinaw ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang kinalaman sa pagtaas ng presyo ng karne ang pag-ban sa mga karneng baboy mula sa mga bansang may African Swine Fever.

 

Pero ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo,  hindi dapat gawing rason ng mga retailer ang ASF upang itaas ang presyo nito.

 

Paliwanag ni Castelo – mula sa farm gate price na P125 ay dapat nasa P75 ang ipapataw dito ng mga retailers.

 

Kaya aabot lamang sa P200 ang bentahan ng mga retailer sa kada kilo ng karneng baboy.

 

MARGOT GONZALEZ

Leave a Reply

Your email address will not be published.