Mga reteradong opisyal mula PMA, umalma sa labis na korapsiyon ng kasalukuyang pamahalaan

Mga reteradong opisyal mula PMA, umalma sa labis na korapsiyon ng kasalukuyang pamahalaan

BINASAG na ng mga miyembro ng Philippine Military Academy Alumni Association Inc. (PMAAAI) ang kanilang katahimikan sa gitna na rin ng mga isyu ng korapsiyon sa Marcos Jr. administration.

“No, we shut down everything. I guess that’s what they want, they want the government to cease working so ‘yung matuloy ‘yung kanilang mga destabilization na ginagawa,” pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Destabilization o pagpapabagsak sa gobyerno para kay Marcos Jr. ang mga kuwestiyon ngayon sa 2025 bicam report ng pambansang pondo na kaniyang pinirmahan.

Nauna nang itinanggi ng Pangulo na may blangkong items sa 2025 General Appropriations Act (GAA).

Pero, hindi GAA ang kinukuwestiyon ng kaniyang mga kritiko kundi ang mga blankong items sa bicam report o ang final version ng budget bill.

Ilang araw matapos ang komento ni Marcos Jr. ay lumabas sa isang news forum sa San Juan City ang pamunuan ng PMAAAI.

Produkto ng natatanging institusyon sa Pilipinas na pinagmumulan ng mga lider at heneral sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP) at iba pang uniformed agencies.

Mga dating heneral at opisyal ay hindi na matiis ang grabeng korapsiyon ng kasalukuyang gobyerno.

“We voted to remain silent on this issues, however noong General Assembly naming noong January 25, the General Assembly voted that the PMAAA will go against corruption,” saad ni Ret. General Raul Gonzales, Chairman, Philippine Military Academy Alumni Association Inc.

Numero uno sa puna ng retired officials ang korapsiyon sa infrastructure programs ng gobyerno.

Mga pondong hindi anila nalalagay sa tunay na mga proyekto at binubulsa lamang ng iilang pamilya.

“Parang napakasakit na sila nagko-kontrol ng budget, sila ang kontrata, sila pa rin ang subcontractor and sila pa rin ang supplier,” giit ni Gonzales.

Ayon kay General Gonzales, matindi ang korapisyon ngayon kumpara sa mga nagdaang administrasyon.

Bagay na hindi nila kayang matiis dahil tinatawag ang kanilang pansin ng taumbayan.

“Bulgar na ngayon eh, talagang open!” aniya.

Mahigit sa 11,000 ang miyembro ng PMAAAI kasama na ang mga nasa active duty.

Patuloy na magmamasid ang mga kabalyero sa takbo ng kasalukuyang gobyerno.

At kung may pag-asa pa bang madala sa pakiusap ang mga nakaupo na iwasto ang mga kamalian sa kanilang pamamahala.

Pero kung sakaling hindi…

“Alam niyo lahat naman ng tao ‘yung patience is their limit. And if they see that the general public is really—talagang napuno na. I think you have already experienced it in several occasions. The Armed Forces, the military will protect the people,” dagdag nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble