WALANG bibiyaheng jeep o UV Express sa halos 2-K (1, 948) na mga ruta sa buong bansa simula ngayong Pebrero 1, 2024.
Dahilan dito ay ang hindi pagsali sa consolidation process ng mga bumibiyaheng jeep sa mga nabanggit na ruta ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).
Samantala, mula sa naturang bilang, nasa 1, 767 ang ruta ng mga jeep habang 181 ang ruta ng UV Express.
Ang Bicol naman ang lugar na may pinakamaraming ruta na wala nang bibiyaheng jeep sa susunod na buwan.
Sinundan ito ng Ilocos at MIMAROPA.
Matatandaang napagkasunduan na simula Enero 1 ay hindi na maaaring bumiyahe ang mga hindi sumaling jeep sa proseso.
Ngunit plano ng LTFRB na magbigay ng special permits sa mga jeep na kasali sa consolidation upang makabiyahe sa mga nabanggit na ruta.