LIGTAS at walang natamong pinsala ang apat na katao na sakay ng training aircraft na bumagsak sa dagat sa Zamboanga City.
Ayon kay Eric Apolonio ang spokesperson ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP alas 9:45 ng umaga nang bumagsak malapit sa Sea Wall Sinunuc Boulevard ng Zamboanga City ang training aircraft na may call sign RP-C834 mula sa Dumaguete-based flying school , Royhle Aviation Academy, Inc.
Sakay ng naturang eroplano ang dalawang flight instructor, student co-pilot at mekaniko.
Napinsala naman ang eroplano matapos lumubog ito sa dagat
Patuloy naman iniimbestigahan ang sanhi ng pagbagsak ng eroplano sa dagat.
“So wala namang patay wala ring damage ,except siyempre ang aircraft may damage ‘yun ,so yung mga imbestigador natin ng CAAP ,investigator pinadala na roon sa Zamboanga so investigation incident kung ano ba talaga nangyari para ma- determine kung anong naging problema,” pahayag ni Apolonio.