BINIGYANG-pugay ni Vice President Sara Duterte ang lahat ng mga ina nitong Mother’s Day kung saan kinilala ng pangalawang pangulo ang kanilang mga sakripisyo.
Sa kaniyang mensahe, sinabi ni VP Sara na ang lahat ng ginagawa ng mga ina ay nagpapaalala sa atin kung paano ang maging hindi makasarili.
Aniya kaunti lang ang hinihingi ng mga ina pero marami pa rin ang ibinibigay nila.
“Everything that mothers do reminds us what it is to be selfless. They ask for so little and yet they give so much,” mensahe ni VP Sara.
Sa pamamagitan din nila ani Vice President Sara, tayo ay pinagpala, nagabayan, at sinuportahan sa isang buhay ng pangangalaga, katapangan, pagkahabag, at pagmamahal.
Dagdag pa ng pangalawang pangulo na itinatanim ng mga ina sa ating mga puso ang mga hindi mabilang na paraan upang gawing mas magandang lugar ang mundong ito para sa lahat.
“Through them, we are blessed, guided, and supported into a life of care, courage, compassion, and love. Mothers plant in our hearts the countless ways we can make this world a better place for others,” ayon pa kay VP Sara.
Kinilala rin ng pangalawang pangulo ang mga sakripisyo at walang pasubaling pagmamahal ng mga ina kung saan aniya ay naghulma sa pagkatao ng bawat isa sa atin at nagbibigay-inspirasyon upang tayo ay mangarap.
“Their sacrifices and unconditional love have molded us to become the persons that we are today and what we will become in the future — inspiring us to dream and encouraging us to pursue these dreams,” dagdag ni VP Sara.
Binigyang-pugay rin ni VP Duterte ang mga ginampanang napakalaking tungkulin bilang mga ina ng mga bata sa labas ng kanilang mga tahanan kung saan sila ay nagbibigay ng suporta, pangangalaga, at patnubay sa mga bata sa mga komunidad.
“We also pay tribute to the countless mothers who have taken the enormous role of being mothers of children outside of their homes. We see these mothers outside of our homes — they provide support, care, and guidance to children in our communities,” saad nito.