Mga sakripisyo ng OFWs sa Japan, kinilala ni Vice President Sara Duterte

Mga sakripisyo ng OFWs sa Japan, kinilala ni Vice President Sara Duterte

NAGPAPASALAMAT si Vice President Sara Duterte sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Japan dahil sa kontribusyon ng mga ito para sa ikauunlad ng kanilang pamilya at ng bansang Pilipinas.

Bago umuwi ng Pilipinas mula sa kanyang private trip sa Japan, nakipagkamustahan si Vice President Sara Duterte sa mga OFW sa nasabing bansa nitong Linggo.

Sa kaniyang mensahe sa meet-and-greet activity na ginanap sa Ginza, Tokyo, kinilala ni VP Sara ang sakripisyo ng mga OFW para sa kanilang pamilya.

‘’Mga mahal ninyo sa buhay, mga pamilya ninyo, na nandoon sa Pilpinas na tinutulungan ninyo. Nagsisikap kayo dito sa Japan. Araw-araw nag-iisip kayo, paano ba ako makakaipon? Paano ba ako maka-save para may maipadala ako na tulong doon sa aking pamilya at para makapag-aral nang maayos ang aking mga anak, ang aking mga pamangkin, ang aking mga kapatid,’’ ayon kay Vice President Sara Duterte.

Nagpasalamat din ang pangalawang pangulo sa patuloy na pagtitiwala ng mga ito sa pamilya Duterte at sa kanilang suporta sa Office of the Vice President (OVP).

‘’Nagpapasalamat ako sa inyong patuloy na suporta sa opisina ng Vice President. At sa projects and programs ng Vice President. From 2014, 2015, 2016 hanggang ngayon 2025. Bagong taon na ay nandiyan pa rin ang tiwala at suporta ninyo lahat mga kababayan,’’ saad nito.

Ipinahayag naman ng mga OFW sa Japan ang kanilang pasasalamat kay VP Sara dahil sa inilaan nito na oras para sila ay makasama.

Tiniyak ng mga Pilipino sa nasabing bansa ang kanilang patuloy na pagtitiwala sa pangalawang pangulo sa gitna ng mga politikal na pag-atake laban sa bise.

‘’Mga taong dumalo dito ay mahal si VP Sara. Handang magbuwis buhay para kay VP Sara. Kaya nandito kami nagkaisa. Huwag niyong ismolin itong grupong ito sa Japan dahil ito ay mga leader at Pilipino sa Japan na handang magbuwis buhay para kay VP Sara,’’ ani Rizajane Nagumo President, Republic Defenders for Peace and Unity.

‘’Lalong umaalab ang aming suporta kay VP Sara, kay Pastor Quiboloy, kay Marcoleta, at sa mga pinalangga namin,’’ dagdag ni Nagumo.

‘’This is my dream na makita talaga personally si VP Sara. And for course sobrang happy ako dahil dinagdagan ni VP Sara ang aking power.’’

‘’Huwag kang mag-alala VP Sara. Laban lang palagi,’’ ayon kay Miko Pugay, Vlogger.

‘’Alam naman natin na ang nagyayari ngayon sa present administration walang patutunguhan. Ilulubog lang nila tayo, hindi tayo babangon. So ang pag-asa natin ay si VP Sara na iluklok natin ngayon,’’ ani Grace Tanaka Member, Republic Defenders for Peace and Unity.

‘’Protektahan natin si VP Sara. Then tuloy-tuloy natin ang ating paglaban sa injustices na nangyayari sa Pilipinas. At magkaisa tayo,’’ saad ni Berwin Dy, Republic Defenders for Peace and Unity.

Matatandaan na bago matapos ang taong 2024, isang rally ang isinagawa ng daan-daang taga-suporta ni VP Sara sa Japan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter