Mga scalpers ng ticket para sa Game 6 na PBA finals, arestado ng awtoridad

Mga scalpers ng ticket para sa Game 6 na PBA finals, arestado ng awtoridad

ARESTADO ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga scalper o mga nagbebenta ng ticket na higit na mas mahal para sa Game 6 ng finals ng PBA.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, ikinabahala nila nang makita nila mismo ang nagkalat na mga scalper online na nagbebenta ng ticket ng mas mahal ng 5-10 beses kumpara sa orihinal na presyo ng tickets.

Ang PBA mismo ang lumapit sa awtoridad ng QCPD upang ireklamo ang mga scalper na talamak online at sa paligid na rin ng Araneta Center Coliseum.

Sa nakita ng PBA online, ang Upper Box Seat na nagkakahalaga lamang ng 230 pesos ay ibinebenta sa halagang 500-1,000 piso kada isa, samantalang ang Petron C naman na 650 piso ang presyo ay umaabot sa mga scalper ng nasa 2,800 piso.

Sa isinagawang entrapment operation ng QCPD, arestado ang 3 scalper at nasabat sa mga ito ang nasa 50 pirasong ticket para sa Game 6.

Follow SMNI NEWS in Twitter