Mga security guard, hinimok na magre-orient vs bomb threats

Mga security guard, hinimok na magre-orient vs bomb threats

HINIHIMOK ng Philippine National Police (PNP) ang lahat ng mga establisyemento o gusali sa bansa na palakasin ang security protocols sa gitna ng sunud-sunod na bomb threats sa bansa.

Ayon kay PNP PIO Chief Police Colonel Jean Fajardo, mainam aniya na sumailalim sa reorientation ang lahat ng security guards sa bansa upang madaling makaresponde sa anumang mga banta sa seguridad.

Giit ng PNP, kailangang doblehin pa ang pagiging mapagmatyag ng mga security guards partikular sa mga naiiwanang bag o bagahe ay dapat alam ng mga ito ano ang gagawin.

Sa ngayon, sa kabila ng kakulangan ng tauhan at kasanayan, nagsisikap pa rin naman anila ang PNP na matugunan ang mga ganitong banta sa tulong na rin ng publiko.

Paalala ng PNP, sakaling maganap ang pagsabog ng isang bomba sa mga gusali agad na lumikas at sumunod sa mga panuntunan ng mga awtoridad para mailigtas ang sarili.

Follow SMNI NEWS on Twitter