Mga security guard, pinagbawalan na gumawa ng trabaho na labas sa kanilang tungkulin–PNP-SOSIA

Mga security guard, pinagbawalan na gumawa ng trabaho na labas sa kanilang tungkulin–PNP-SOSIA

SA panayam ng media sa Kampo Krame, pinaalalahanan ng tanggapan ng PNP Supervisory Office for Security and Investigation Agency (PNP-SOSIA) ang mga security guard sa bansa na iwasang gumawa ng mga trabaho na labas sa kanilang mga tungkulin.

Ayon kay PNP-SOSIA acting chief PB.Gen. Gregory Bognalbal, maaaring maalis sa trabaho ang mga security guard na lalabag sa kautusan na ito maging ang security agency ay maaaring mawalan rin ng license to operate.

Nakarating sa tanggapan nito ang mga insidente na ginagawang utusan, tagabitbit ng gamit, parking attendant, service crew at kung anu-ano pa sa halip na tutukan nito ang kanyang pwesto laban sa mga posibleng kriminal na mananamantala sa mga establisyemento.

Sa kabilang banda, pinagbabawala rin ng PNP-SOSIA ang mga security guard na magsuot ng santa uniforms sa oras ng trabaho sa halip na isuot ang security uniforms nito.

Giit ng PNP, maaaring gamitin ng kriminal ang magsuot rin ng santa uniform para gawin ang kanilang mga masamang balak sa mga gusali at iba pang establisyemento sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble