ISA-isang nagpaabot ng pagbati ang mga senador matapos ang oath-taking ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa National Museum bilang ika-17 na Pangulo ng bansa.
Una sa mga bumati kay President BBM si Sen. Christopher “Bong” Go na personal aide ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon kay Go, dapat sama samang suportahan ng mga Pilipino ang bagong administrasyon na gagabay sa sambayanang Pilipino sa susunod na 6 na taon.
“Pumasok na tayong mga Pilipino sa bagong kabanata ng ating bansa. Nasa ilalim na tayo ng bagong administrasyon matapos manumpa ang ating bagong pinakamataas na lider, si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. Sama-sama nating salubungin at suportahan ang bagong administrasyon na gagabay sa sambayanang Pilipino sa susunod na anim na taon,” saad ni Senator Bong Go.
Tiniyak naman Senator Chiz Escudero na kaisa ito ng bagong administrasyon sa hangarin niya na mabigyan ng epektibo at agarang solusyon ang mga pagsubok ng bayan upang tuluyang malampasan ito.
Sinabi rin ni Escudero na dapat nang isantabi ang iba’t ibang kulay sa pulitika.
“All hands on deck tayo para sa mabilis na pagbangon at pag-ahon. It is my hope that political parties, regardless of beliefs, persuasion, or ideology, can set aside their differences so we can address with determination and resolve the big task that is before us: to make the lives of 110 million Filipinos better,” ani Senator Chiz Escudero.
Nagpapasalamat naman si Senator Joel Villanueva na ang job opportunity ang isa sa mga prayoridad ng bagong Pangulo.
Ayon sa senador, makikipag-ugnayan ito sa mga economic managers ng bagong administrasyon, lalo na kina incoming DMW Sec. Toots Ople at incoming Labor Sec. Bienvenido Laguesma, para pagtuunan ang mga programang para sa kapakanan at kaunlaran ng mga manggagawa.
“Kasama sa mga nais nating tutukan ay ang pagtataguyod ng National Employment Strategy at TUPAD Emergency Employment Program na nasimulan na ng nakalipas na administrasyon,” saan ni Senator Joel Villanueva.
Sinabi naman ni Senator Raffy Tulfo na sinasang-ayunan nito ang inaugural speech ng Pangulo lalo na ang patungkol sa paghihirap ng mga manggagawa natin lalo na ang mga OFW.
Ayon kay Senator Tulfo, makakatiyak ang bagong Pangulo ng kanilang kooperasyon pagdating sa lehislatura.
I will match his pledge with “no excuses” with legislation and public services. I believe this is what our country needs to be able to cope with the hardships brought about by the pandemic,” pahayag naman ni Senator Raffy Tulfo.
Habang sa parte ni Senator Sonny Angara sinabi nito na tiyak ang malaking suporta na tatanggapin ng Pangulo kasama ang 31M na bomoto sa kaniya.
Pinuri din ng senador ang mga napiling economic manager ni PBBM maging ang naging hangarin nito na pamunuan ang Department of Agriculture (DA).
“Taking on the agriculture portfolio, President Marcos has also demonstrated his commitment towards addressing the numerous problems of this sector and in increasing the yields of our farmers and fisher folk, all with the goal of achieving food security for all Filipinos,” ayon naman kay Senator Sonny Angara.