Mga senador, pinagpala sa pagdalo sa Ynares special thanksgiving ng the Kingdom of Jesus Christ

Mga senador, pinagpala sa pagdalo sa Ynares special thanksgiving ng the Kingdom of Jesus Christ

LABIS na pinagpala ang mga senador na dumalo sa Special Thanksgiving and Worship Presentation ng the Kingdom of Jesus Christ sa Ynares Convention Center, labis din silang namangha sa mensahe ni Pastor Apollo C. Quiboloy.

Inabot ng tatlong taon bago makabalik sa Ynares Convention Center ang taunang pagtitipon ng the Kingdom of Jesus Christ.

At ang buong bansang kaharian, sabik na makita at makadaupang palad si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Sumentro ang pangangaral ni Pastor Apollo sa pagpapasalamat sa lahat ng pagpapalang natanggap ng bansang kaharian sa nakalipas na mga taon.

Sa gitna man ng mga hamong dala ng pandemya, ay nanatiling matatag ang bansang kaharian.

Present naman sa event ang mga malalapit na personalidad kay Pastor Apollo.

Lalo na ang mga senador gaya nina Senator Bong Go, Robin Padilla, Mark Villar at Francis Tolentino.

‘’Very successful, very uplifting kasi katatapos lang ng pandemic congratulations din ng pagbubukas ng isang mas malakas na SMNI,’’ ayon kay Senator Tolentino.

‘’Ang lakas ng energy po at masaya, nagsasayawan po kami sa loob at talagang napakaganda, napaka-energetic ng crowd and it was a very-very beautiful worship service,’’ saad naman ni Senator Villar.

Kapwa naman pinagpala ang dalawang senador sa mga pangangaral ni Pastor Apollo.

Lalo na’t nasaksihan nila kung paano magsamba sa bansang kaharian.

”Marami marami marami tayong natutuhan,’’ ani Senador Tolentino.

‘’So sa aking kaibigan po, sa aking kapwa builder at builder din po si Pastor Apollo Quiboloy. At Pastor, binabati ko po kayo. Nagpapasalamat din po ako sa inyong pagsusuporta sa akin at sa aking pamilya at siyempre sa ating bansa. Napakalaking bagay po ang inyong public service lalo na po sa build-build-build. Hindi ko po makakalimutan ang inyong suporta sa build-build-build program at sa former President Duterte. Maraming salamat po,’’ ani Villar.

Present din sa event ang matalik na kaibigan ni Pastor Apollo na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Naging bahagi din ang dating Pangulo sa pangangaral ng butihing Pastor lalo na sa usapin kontra insurhensya at iligal na droga mga problema ng bansa na kailangan ng matinding katapangan sa pag-resolba katangiang hanap ng butihing Pastor sa mga namumuno sa bansa.

Nauna nang sinabi ni Pastor Apollo na magpapatuloy ang gabay niya at suporta sa Marcos-Duterte Administration pati na ang suporta ng SMNI sa nation-building sa paglalahad ng impormasyon at balita.

Follow SMNI NEWS in Twitter