Mga senador, pumalag sa desisyon ng DA na mag-import ng isda

Mga senador, pumalag sa desisyon ng DA na mag-import ng isda

HINDI pinaboran ng mga senador ang hakbang ng Department of Agriculture (DA) na mag-import ng isda dahil sa kakulangan ng suplay.

Daing ng mga senador huwag ituloy ang nakaambang importation.

Una ng sinabi ng DA na kailangan nilang mag import ng isda kasunod ng kakulangan ng suplay dahil sa epekto ng pananalasa ng Bagyong Odette.

Pinagbasehan nila ang ulat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources’ (BFAR) na nagsabi na nasa 119,000 metric tons ang magiging potential deficiency.

Balak ng DA na makapag-import ngayon ng 60,000 metric tons ng isda sa unang tatlong buwan ngayong taon.

Pero si Senator Imee Marcos nanawagan na ihinto ang nakaambang importation dahil sa magiging epekto nito sa hanapbuhay ng mga lokal na mangingisda.

Segunda nito na ayon sa National Fisheries and Aquatic Resources Management Council (NFARMC) may sapat ang bansa ng suplay ng isda sa unang quarter ng taon.

“Stop that importation! There’s at least 35,000 [metric tons] still unsold from 2021 importation plus those still to be delivered for Q1 2022! Papatayin nyo ang local fisheries,” pahayag ni Sen. Imee Marcos.

Ito rin ang inilahad ni presidential aspirant Sen. Manny Pacquaio.

Dagdag pa nito na napakalawak ang aquatic resources ng bansa para magkaroon ng dahilan para hindi niya paboran ang importation.

Ayon sa senador, ang Pilipinas ang panglima sa may pinakamahabang coastline sa buong mundo at paanong tayo aniya ang dapat na mag import.

“Dapat tayo ang nag-eexport ng mga isda lalung-lalong na yang mga isdang gaya ng galunggong at makerel dahil marami niyan sa Pilipinas. Paano nangyari na tayo ngayon ang nag iimport samantalang napakaraming Pilipino ang mangingisda?” ani Pacquiao.

Ito rin ang sentemyento ni Partido Reporma stand bearer Sen. Ping Lacson hinggil sa desisyon ng DA.

Ayon kay Lacson una nitong pinatay ang kabuhayan ng mga magsasaka ngayon naman ay isusunod nito ang sa mga mangingisda.

 “After killing our farmers by importing vegetables and fruits, it is the turn of our fishermen to die,” ayon kay Lacson.

Hindi rin aniya katanggap-tanggap na mag-import ng galunggong ang bansa mula sa China na binu-bully ang mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea (WPS).

Follow SMNI News on Twitter