Mga senior citizen sa Bicol Region, mainit ang pagtanggap kay Pastor Apollo C. Quiboloy

Mga senior citizen sa Bicol Region, mainit ang pagtanggap kay Pastor Apollo C. Quiboloy

MALAKI ang tiwala ng Federation of Senior Citizens Association of the Philippines (FSCAP) Bicol Region para sa kandidatura ni senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy—ito ay matapos silang nagpakita ng buong suporta sa proclamation night ng Butihing Pastor sa Sorsogon noong Martes, Pebrero 11, 2025.

Sa panayam ng SMNI kay FSCAP Focal person Sonia Lariosa, wala silang ibang nakikitang kwalipikadong kandidato bukod kay Pastor Quiboloy na may malasakit sa tao kasama ang kanilang ipinaglalabang karapatan at maayos na benepisyo para sa mga nakatatanda o senior citizens hindi lang sa region 5 kundi maging sa buong bansa.

Sa katunayan aniya, maaaring “coincidence” lamang nang napanaginipan niya ang KOJC na pinamumunuan ni Pastor Apollo.

Sa kaniyang panaginip, ipinangalan aniya sa KOJC ang isang tahanan na nangangalaga sa mga matatanda.

Isang pangarap na matupad, isang elderly center, actually napanaginipan ko nga the other night ang nakalagay is Kingdom of Jesus haven for elderly. Para bang ito ‘yung mag aalaga sa mga matatanda at sa mga wala nang nag-aaruga sa kanila, ‘yung mga nagpapalaboy na makikita mo sa mga streets. Lalung-lalo na po yung mga bed ridden na mga seniors natin na halos kapaitbahay na di naman kaanu-ano yung mga nag aaruga sa kanila,” Kuwento ni Sonia Lariosa, Focal person, FSCAP.

Giit pa ni Lariosa, bagamat may mga grupo naman na nangangalaga sa mga matatanda pero di ito sapat lalo nat marami pa ring matatanda sa bansa ang walang maayos na tirahan, pagkain, ayuda, gamot at higit sa lahat oportunidad na maging masaya sa kanilang mga nalalabing panahon sa mundo.

“Lalo na ‘yung nasa remote area, coastal, ‘yung mga nasa bulubundukin. Katulad dito sa Casiguran may mga coastal, may mga bulubundukin na tinitirhan. Kasi mahilig nga silang magtatanim, ang problema pag nagkakaedad na nagkakaroon sila ng physical na problema. Harinawa, pag naluklok ang ating senador, Pastor Apollo C. Quiboloy ay matupad ang isang pangarap ng isang munting senior citizen po,” pahayag niya

Sa kabila naman ng mga hamon na kinahaharap ngayon ni Pastor Apollo, naniniwala ang grupo ni Lariosa na malalagpasan ng Butihing Pastor ang lahat ng ito kasabay ng dalangin na kaawaan pa ng mahaba at malusog na pangangatawan si Pastor Apollo nang magampanan nito ang kanilang mga nais para sa bansa.

“Ang gusto ko pong ipaabot na magkaroon siya ng magandang physical health. ‘Yung physical niya alagaan of course kasi kailangan natin siya na magli-lead sa ating bayan. Kami lahat ng senior ay susuporta po sa kanya,” aniya pa.

Nauna nang nabanggit ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa kanyang mga plataporma de gobyerno ang maayos na health care system para sa mga pilipino.

Naniniwala si Pastor Apollo na susi ng isang malago at malusog na gobyerno ang maayos na kalusugan ng mga pilipino.

Bagay na hindi ito bago sa pamumuno ni Pastor Apollo sa KOJC kung saan lahat ng mga matatanda ay may sapat na benepisyo at mga kailangang atensiyon kagaya ng iba pang miyembro na mga bata, kababaihan at kalalakihan sa larangan ng medikal, pisikal, edukasyon, mga oportunidad at higit sa lahat ang kanilang kaligtasan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble