INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na maaaring lumipat sa public schools ang mga mag-aaral sa senior high school (SHS) na apektado sa pagtigil ng programa sa state and local universities and colleges.
Ayon kay Education Secretary Michael Poa, maaari ding mag-enroll ang iba sa mga pribadong paaralan.
Ani POA, wala nang Grade 11 voucher ang kasalukuyang School Year 2023-2024 sa SUCs at LUCs pero nagbibigay pa rin aniya ang DepEd ng vouchers para sa Grade 12 learners para matapos nila ang kanilang senior high school.
Sa ngayon ay nasa 17,700 ang kabuuang bilang ng Grade 11 students na naka-enroll ngayong school year sa SUCs at LUCs sa buong bansa.
Samantala, nag-anunsiyo na rin kamakailan ang Commission on Higher Education (CHED) na ang ugnayan ng SUCs at LUCs sa basic education sa pamamagitan ng senior high school ay limitado lang sa K-12 transition period mula sa School Year 2016-2017 hanggang School Year 2020-2021.