Mga serbisyo ng LTO, muling ilalapit sa publiko sa pamamagitan ng ‘LTO on Wheels’

Mga serbisyo ng LTO, muling ilalapit sa publiko sa pamamagitan ng ‘LTO on Wheels’

MULING aarangkada ngayong araw ang Land Transportation Office (LTO) on Wheels para sa publiko.

Ito ay upang ilapit ang mga serbisyong hatid ng LTO para sa mga nais magproseso ng kanilang mga dokumento.

Magsisimula ito ngayong umaga sa Kampo Karingal sa Quezon City.

Maaaring i-proseso ang mga sumusunod, tulad ng issuance ng student permit, renewal ng driver’s license (non-professional at professional) at renewal ng rehistro ng sasakyan.

Pinaalalahanan ng LTO ang publiko na dalhin ang kinakailangang dokumento sa bawat transaksyon upang maiwasan ang pagka-antala ng pagproseso nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter