DAPAT makulong na ang mga kriminal, smugglers at walang malasakit na pasimuno sa malawakang pagsasabotahe sa agrikultura sa bansa.
Ito ang inilabas na pahayag ni Senator Imee Marcos na siyang Chair of the Senate Committee on Economic Affairs kasunod ng pagka-postponed ng hearing kaugnay sa smuggling sa aricultural products.
Sa kanyang FB post, sinabi ng senadora na nakakagalit, nakakabagabag at nakalulungkot ang naturang isyu.
Lalo pa aniya at personal nitong nalaman ang paghihirap ng mga kababayang magsasaka.
Nararapat din aniyang mabigyan ng katarungan ang mga kababayang magsasaka at mailabas ang katotohanan.
Hiling din ni Sen. Imee na sana ay hindi na magkakaroon ng postponements sa hearing upang matapos na ang matagal na panahon ng paglusot at pagsalag ng mga sangkot sa smuggling.