PURSIGIDO ang Department of Justice (DOJ) na makapagsampa ng kaso sa mga nasa likod ng agricultural smuggling sa bansa.
Punto ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla, na ang pagsugpo sa smuggling ay mahigpit na pinatutukan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Giit ng kalihim, nasa Customs aniya ang bola pagdating sa usapin ng mga produktong pumapasok at lumalabas ng bansa.
At kailangan aniya nila ngayon ay ang kooperasyon ng mga ito para mapanagot ang mga gumagawa ng katarantaduhan.
Ayon kay Remulla, kung hindi makikipagtulungan ang mga ito ay sila aniya ang idedemanda ng ahensiya.
Hirit pa ni Remulla, puwedeng-puwedeng mahuli ang mga smuggler kung hindi magiging bulag at bingi ang Customs sa usapin ng smuggling.
Sa ngayon ay patuloy pang inaalam ng DOJ ang lawak ng problema sa smuggling maging ang kanilang case build up.