MAHIGPIT ng ipinagbabawal ngayon ang pagsasagawa ng social gatherings, outings at pagsagawa ng team building sa buong lalawigan ng Cebu.
Base sa kautasan ni Gobernador Gwen Garcia, babawalan na ang mga may-ari ng hotel at resorts na tumanggap ng mga kliyente na magsagawa ng pagtitipon,aktibidad,pagdirawang ng kawagaran at iba pang selebrasyon.
Posted by Sugbo News on Monday, 23 March 2020
Posted by Sugbo News on Monday, 23 March 2020
Ito ay maipatupad ang ang Social Distancing Policy at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 sa lalawigan.
Binalaan ng gobernador ang mga may-ari ng hotels at resorts na kanyang irekomenda na bawiin ang kanilang business permits kung hindi susunod sa nasabing kautusan.
Samantala,ipanagbawal na rin Garcia ang dine-in o ang pagkain sa loob ng mga fastfood chains, restaurants at iba pang kainan sa buong lalawigan ng Cebu.
Gayunman, maari paring makabali ang mga costumer sa papamagitan na lang ng drive thru o take out o kaya magpa-home deliveries na lang .
Magiging epekto ang nasabing kautusan bukas, bilang hakbang pa rin upang maiwasan ang COVID-19.
Inatasan na rin ni Garcia ang kapulisan at militar na tumulong sa implementasyon at huliin ang mga lalabag.
ulat ni: Bryan Capunong