NORMAL sa mga Pilipino ang pagbili ng street food gaya ng lumpia, toge, fishball, at kwek-kwek.
Ayon kay Hepatology Society of the Philippines, VP Angelo Lozada, Hepatitis A ang maaring kumapit sayo mula sa pagkain ng street food at sa paggamit ng shared sawsawan.
Lalo na kapag ang kasabay mong kumain nito o ang mismong nagtitinda nito ay may sakit ng Hepatitis A na isang nakakahawang sakit.
Ang hepatitis ay nagdudulot ng pamamaga sa liver cells at pinsala sa atay.
Sabi ng health expert, ang mga pagkaing street food ay mga pagkaing matataba na maaring magdulot din ng iba pang sakit gaya ng fatty liver, hypertension, diabetes, at iba pa.