MAAARING maging Special Election Board (SEB) ang hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong darating na halalan.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chair George Garcia, nauna na siyang nag-request ng 4,000 pulis sa Philippine National Police (PNP) na may gagampanang ibang tungkulin.
Batay naman sa nakasaad sa batas sa ilalim ng Resolution 11135, maaaring miyembro ng SEB ang AFP kung wala na talagang iba, ngunit dapat may basbas pa rin ng AFP Chief.
Makakatanggap ng honoraria na P12,000 ang SEB Chairperson at P11,000 naman sa mga miyembro na hindi bababa sa limang araw na serbisyo.