Mga sundalo, mananatiling non-partisan sa nalalapit na halalan —AFP

Mga sundalo, mananatiling non-partisan sa nalalapit na halalan —AFP

MAGPAPATULOY ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang ginagawang internal security operations (ISO) sa kabila yan nang nalalapit na midterm elections.

Inatasan kasi ang AFP na tulungan ang Pambansang Pulisya na magbantay upang mapanatili ang seguridad sa darating na halalan.

Sa isang panayam, sinabi ng tagapagsalita ng AFP na si Col. Francel Margareth Padilla na handa silang gampanan ang trabahong ibibigay sa kanila ng COMELEC kahit pa nakatutok ngayon ang Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa pagbabantay sa teritoryo ng ating bansa.

“Tuloy-tuloy din po ang ang ISO and ‘yun nga po, kung ano pong i-mandate po ng COMELEC (Commission on Elections) for us to perform like ‘yung pag-conduct ng checkpoint, pag-secure po ng mga ballot and all that, gagampanan po yan ng ating Sandatahang Lakas ng Pilipinas,” ayon kay Col. Francel Margareth Padilla Spokesperson, Armed Forces of the Philippines.

Bukod sa mga nabanggit, sinabi ng AFP na kanilang susuportahan ang Philippine National Police (PNP) sa mga misyon nito na makamit ang kaayusan at maipatupad ang batas.

“Kung ano po ang role na pwede pong gampanan ng AFP para po na ma-assure natin na magiging mapayapa at maayos itong ating eleksyon, gagampanan po ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas,” saad ni Padilla.

Tungkol naman sa tanong kung magkakaroon ba ng re-assignment sa kanilang hanay upang maiwasan ang pagdududa ngayong election, sinabi ni Padilla na mananatiling non-partisan ang lahat ng military personnel.

“We always maintain that the AFP is non-partisan, we trust each member of the AFP that we are a professional and united organization, and we will be doing and performing our mandate being a non-partisan organization,” dagdag nito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble