Mga sundalo mula El Salvador, ipinadala na rin para labanan ang mga gang sa Haiti

Mga sundalo mula El Salvador, ipinadala na rin para labanan ang mga gang sa Haiti

DUMATING sa Haiti ang isang pangkat ng sundalo mula sa El Salvador noong Pebrero 4, 2025, upang tumulong sa paglaban sa lumalalang gang violence sa bansa.

Binubuo ng 70 sundalo, ang grupo ay magbibigay ng air support na mahalaga sa medical evacuations.

Noong nakaraang buwan, mahigit 600 pulis mula Kenya ang ipinadala sa Haiti para sa kaparehong misyon, kasama ang mga sundalo at pulis mula sa Jamaica at Guatemala.

Nagsimula ang gang violence sa Haiti noong nakaraang taon at nagdulot na ng libu-libong pagkasawi.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter