Mga sundalo na nagbantay sa inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte, binati ng 10th Infantry Division

Mga sundalo na nagbantay sa inagurasyon ni VP-elect Sara Duterte, binati ng 10th Infantry Division

PINURI ni 10th Infantry Division commander Major General Nolasco Mempin ang matagumpay nilang pagbabantay upang matiyak ang seguridad ng inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio sa Davao City.

Sa isang pahayag ni Mempin, sinabi nito na nasa 3,000 tropa ang ipinakalat ng iba’t ibang yunit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula sa Philippine Air Force, Philippine Navy, at Philippine Army para sa nasabing aktibidad.

Kabilang aniya sa tiniyak nila ay ang mahigpit na border control point kung saan walang naitalang untoward incident mula sa communist terrorist groups at lawless armed groups.

Sinabi ni Mempin na pangkalahatang naging mapayapa ang inagurasyon ng Pangalawang Pangulo.

Ito ay dahil na rin sa pagtutulungan ng security sector, ang Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard, Philippine Air Force, at ang security cluster sa ilalim ng Public Safety and Security Command Center.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter