Mga sundalong nagbuwis ng buhay sa paglaban sa mga CTGs, binigyang pugay ng AFP

Mga sundalong nagbuwis ng buhay sa paglaban sa mga CTGs, binigyang pugay ng AFP

BINIGYAN ng pagpupugay ni AFP chief of staff Lieutenant General Bartolome Vicente Bacarro ang mga sundalo na nagbuwis ng buhay para sa seguridad ng Northern Luzon laban sa mga rebelde.

Ito ay kasabay ng wreath-laying ceremony sa headquarters ng 5th Infantry Division sa Gamu, Isabela.

Mainit na sinalubong si Bacarro ni 5ID commander Brigadier General Audrey Pasia kasama ang officers, non-commissioned officers, at civilian human resources.

Kinilala ni Bacarro ang kontribusyon ng 5ID sa kapayapaan, seguridad, at pag-unlad sa kanilang area of operations.

Patuloy rin aniyang humihina ang mga kalaban lalo’t nawawalan na ito ng suporta mula sa mga komunidad para sa kanilang pondo.

Patuloy na hinihimok ni Bacarro ang mga sundalo na tuparin ang kanilang mandato na tiyakin ang seguridad ng taumbayan at ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter