LABIS ang pasasalamat ng mga residente ng Brgy. Awang sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao sa SMNI Foundation Inc. sa pamumuno ni Pastor Apollo C. Quiboloy at sa Chinese Embassy na nagpadala ng nag-uumapaw na tulong na hindi inakala ng mga biktima ng Bagyong Paeng.
“Masayang masaya. Napakasaya. Sumayaw nga ako kanina nung pagtanggap ko ng rice, ng bigas, ng balde dahil sa tuwa namin. Specially dito sa apo ko. Masayang masaya kami. Nagsasayaw ako dahil yung blessing na yun na darating sa amin, napakaganda,” ang masayang tugon ni Elsi Rafael – biktima ng Bagyong Paeng.
“First time po naming nakatanggap ng ganun na kadami. Nahihirapan kami. Kahit matanda na ako, 59 years old ako, pero actually, nakaya ko yung balde pati yung tubig. Tapos yung bigas magaan na magaan ang pag-alsa ko dahil sa tuwa ko. Natanggap ko ang ganun na suporta sa amin,” aniya pa.
“First time. First time. Pinaka masaya po kami sa halos mahirapan kami mag-alsa sa kabug-at ng aming dala. First time namo nakadawat ug ing-ani ka daghan,” ayon naman kay Winnie Moingit – biktima ng Bagyong Paeng.
“Wala gyud mi nag-expect na ingato kadaghan. Grabe kalipay sa among kasing-kasing. Murag gibayaw mi sa langit tungod sa kalipay. Maong nagpasalamat jud mi kay Pastor Apollo C. Quiboloy. Salamat jud sa imong gihatag kanamo. Tibuok kasing-kasing na nagpasalamat mi kanimo. Gabayan pa unta ka sa Ginoo nga mutabang ka pa sa kadaghanang mga katao nga nagkakinahanglan,” dagdag pa nito.
“Sobra sobra po yung ibinigay niyo sa amin. Parang yung nakuan kami sa baha, hirap kami sa pagkain. Pero ngayon doble pa ang nakukuha namin na pagkain. Sobra sobra.”
“Salamat po kay Pastor Apollo sa blessing na ibinigay niya, sa suporta na ibingay niya sa amin. Mga blessings. Sa lahat ng mga tumulong maraming salamat,” ani Leni Ponce – biktima ng Bagyong Paeng.
“First time ko po sir. Ganoon talaga. Mas sobra sobra pa ang ibinigay ng Panginoon sa amin. Sobrang saya. Hindi namin maintindihan. Basta sobrang saya. Sobra sobra yung ibinigay ni Pastor sa amin.”
“Sana bigyan pa siya ng Panginoon ng sobrang sobrang biyaya dahil naawa siya sa taong mga nasalanta ng bagyo,” pagpapasalamat naman ni Milagros Pascual – biktima ng Bagyong Paeng.
Datu Odin Sinsuat LGU ng Maguindanao del Norte, taos-puso ang pasasalamat kay Pastor Apollo C. Quiboloy at sa Chinese Embassy
“Pastor maraming maraming salamat at tsaka sa Chinese Embassy na inyong tulong po ninyo. Actually ang Chinese Embassy po, ang Chinese po, marami na silang natulong na ibinigay sa Datu Odin Sinsuat,” ang pahayag ni Mayor Lester Sinsuat – Datu Odin Sinsuat.
“Maraming maraming salamat. Sana po katulad ng sinabi ko kanina, tuluy-tuloy lang po ninyo yung tulong ninyo dahil maraming sumaya. Yung mga nadepressed, natrauma na, so ngayon nagkakaroon sila ng lakas ng loob,” ayon naman kay Gov. Bai Ainee Sinsuat – Maguindanao del Norte.
“Magandang hapon Pastor Apollo C. Quiboloy. Maraming maraming salamat po sa tulong na ipinahatid ninyo dito sa amin sa probinsiya ng Maguindanao. Hinding hindi namin po ito malakalimutan for the help that you have extended. If hindi po ito sakop ng area ninyo, malaking tulong po ito ang ibinigay ninyo sa amin dahil overwhelming ang donations na nanggaling po sa inyo. Maraming maraming salamat po. Sana hindi po kayo magsawa na tumulong sa mga kababayan natin at sa mga taong kailangan na kailangan po kayo,” dagdag pa nito.
Tunay na malawak ang pagmamahal ni Pastor Apollo at walang tinitingnang relihiyon, lahi o estado ng buhay.
At sa mga panahon tulad nito, tiyak na iyong masasandalan ang Poong Maykapal sa pamamagitan ng mga taong kaniyang ipinadala upang maghatid ng pag-asa tulad na lamang ni Pastor Apollo.