Mga Taga-Brgy. Dalipa, Isabela, nagpahayag ng suporta kay Pastor Apollo Quiboloy at PDP-Laban

Mga Taga-Brgy. Dalipa, Isabela, nagpahayag ng suporta kay Pastor Apollo Quiboloy at PDP-Laban

NAGTIPUN-TIPON ang mga residente ng Barangay Dalipa sa bayan ng Benito Soliven, Isabela bilang pagpapakita ng kanilang matibay na suporta kay Pastor Apollo Quiboloy at sa buong hanay ng PDP-Laban.

Sa gitna ng kanilang pagtitipon, nanawagan sila sa kanilang kapwa Ilokano na maging mapanuri at matalino sa pagpili ng mga lider sa darating na halalan. Ayon sa kanila, panahon na upang itaas ang boses ng mga mamamayan mula sa rehiyon, at suportahan ang mga kandidatong tunay na may malasakit sa bayan.

Ang naturang aktibidad ay bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng grassroots movement ng PDP-Laban sa Hilagang Luzon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble