Mga taga-Brgy. Sta. Lucia sa Pasig City, makatatanggap ng pamaskong handog

Mga taga-Brgy. Sta. Lucia sa Pasig City, makatatanggap ng pamaskong handog

TATANGGAP ng pamaskong handog ang mga residente ng Brgy. Sta. Lucia sa Pasig City ngayong araw.

Paalala ng Pasig LGU na bahay-bahay ang distribution at kailangang hintayin sa bahay ang distribution team.

Bawat pamilya ay may isang PasigPass QR Code at isang pamaskong handog.

Kinakailangang maghanda ng proof of identity upang makuha ang pamaskong handog.

Bawal gamitin ang PasigPass QR code ng ibang tao.

Kapag walang naabutang tao sa bahay, mag-iiwan ang distribution team ng Form na may instruction kung paano maike-claim ang pamaskong handog.

 

Follow SMNI News on Twitter