Mga taga-Opol, Misamis Oriental buo ang tiwala sa kay Pastor Apollo C. Quiboloy at Duterte Slate

Mga taga-Opol, Misamis Oriental buo ang tiwala sa kay Pastor Apollo C. Quiboloy at Duterte Slate

NAGSANIB-puwersa ang mga taga-suporta ng PDP Laban at ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Opol, Misamis Oriental para ipakita ang kanilang buong suporta para sa nalalapit na May 12 Midterm Elections.

Sa “Ayusin Natin ang Pilipinas” campaign rally, suportado nila ang mga platapormang nais isulong ng DuterTen, kabilang na rito ang paglaban sa korapsiyon at kriminalidad.

Samantala, tiwala rin si Chello Butaya na ang mga nagawa ni Pastor Quiboloy sa Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ay magagawa rin nito sa buong bansa.

Maging si Rasheda Papandayan, tiwala rin sa kakayahan ni Pastor Apollo at naniniwala itong maraming magagawa ang Butihing Pastor oras na makaupo sa Senado.

Kaya naman ngayong nalalapit na eleksiyon sa Mayo, ibibigay nila ang kanilang boto kay Pastor Quiboloy at sa buong kandidato ng PDP-Laban na inindorso ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble