NAGSIMULA nang dumarami ang mga taga-suporta ni Vice President Sara Duterte sa ika-apat na prayer vigil sa EDSA Shrine, ngayong hapon ng Biyernes.
Bitbit nila ang kani-kanilang mga karatula na may mensaheng MARCOS MAGNANAKAW, MARCOS SINUNGALING, MARCOS ADIKTADOR at MARCOS RESIGN!
Magtutuloy-tuloy anila ang kanilang aktibidad hangga’t hindi nakukuha ang hustisya sa ginagawang panggigipit at pang-aabuso ng administrasyong Marcos kay VP Sara at sa mga mahihirap na Pilipino.