Mga taga-suporta ni VP Sara Duterte sa Japan, muling nagsagawa ng march and rally kontra impeachment

Mga taga-suporta ni VP Sara Duterte sa Japan, muling nagsagawa ng march and rally kontra impeachment

NAGSAGAWA ng “Protect and Support VP Sara Duterte March and Rally” ang mga taga-suporta ni Vice President Sara Duterte sa Japan bilang pagpapakita ng suporta sa pangalawang pangulo at pagtutol sa impeachment case laban sa kanya.

Sa kabila ng malamig na panahon, nagmartsa ang grupo mula Shinjuku Central Park patungo sa Shinjuku Station upang ipahayag ang kanilang matibay na paninindigan.

Pinangunahan ng Republic Defenders for Peace and Unity ang rally, kasama ang Filipino community sa Japan.

Ayon sa grupo, hindi sila titigil sa kampanya laban sa impeachment at patuloy nilang ipagtatanggol si VP Duterte.

Matapos ang rally, nagdaos sila ng anti-impeachment campaign sa Shinjuku at Shibuya Station upang ipahayag ang kanilang suporta sa pangalawang pangulo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter