PINARANGALAN ng Taguig City Government ang apat na mga residente nito na nakasungkit ng medalya sa iba’t ibang larangan sa 31st South East Asian (SEA) Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam.
Sila ay sina Mary Joy Renigen, nag-uwi ng 1 gold at 2 silver medals sa larangan ng Dance Sports; Rubilen Amit, 2 gintong medalya para sa Billiards; Dexter Louise Alaba, 1 gintong medalya para sa Mobile Legends; at Jollirine Co, silver medal sa larangan ng Martial Arts.
Nakatanggap ng cash incentive na P50,000 ang mga SEA Games awardees.
Personal ding inimbitahan ni Mayor Lani Cayetano ang mga awardees na maging bahagi ng Sports and Development program ng lungsod upang mapagyabong pa ang kakayahan ng mga susunod na atleta.