Mga tagasuporta ni FPRRD emosyonal sa Villamor Airbase

Mga tagasuporta ni FPRRD emosyonal sa Villamor Airbase

ILANG oras ang lumipas mula nang dumating si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte mula Hong Kong, ngunit hindi pa rin natitinag ang kaniyang mga tagasuporta sa Villamor Airbase—damang-dama ang kanilang matinding pagkadismaya at pag-aalala sa dating presidente.

“Duterte! Duterte!” Ang pauli-ulit na sigaw ng mga taga-suporta ni dating Pangulong Duterte.

“Bakit si Tatay Digong lang ang gumawa ng lahat sa inyo…”

Naging emosyonal si Rochelle Calle, isa sa mga taga-suporta ni Duterte sa pag-aresto ng mga pulis kay dating Pangulong Durterte at pag-detine sa kaniya sa Villamor Airbase, kasunod ng pagdating niya mula Hong Kong.

Sa parehong pagkakataon, ibinahagi rin ni Rochelle ang kaniyang mapait na karanasan nang siya mismo ay ma-detine sa opisina ni Gen. Nicolas Torre sa loob ng 6 na araw noong Nobyembre 2024—dahil aniya sa isang pekeng “red notice.”

“Kinuha po nila ako dahil sa isang red notice, isang red notice na hindi totoo, gawa-gawa,” pahayag ni Rochelle Calle, FPRRD Supporter.

Ngunit hindi lang si Rochelle ang nagpakita ng matinding suporta. Kasama niya sina Imelda Cuanan at Lissa na kapwa hindi napigilan ang kanilang damdamin.

Samantala, pinagdudahan naman ni Atty. Raul Lambino, senatorial candidate ng PDP-Laban, ang legalidad ng ginamit na warrant of arrest. Ibinunyag niya na digital copy lamang ito mula sa cellphone at walang hard copy na maipakita.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble