NAGTIPON-tipon ang mga Kingdom member, workers, tagasunod at mga supporter ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa ika-anim na araw ng prayer rally para sa butihing Pastor at sa buong kongregasyon, sa kabila ng political persecution na pinagdadaanan nito ngayon.
“You are the God of the impossible, lahat ng bagay Ama ay posible sa inyo Ama. Alam po namin ang katagumpayan Ama ay ipinagkaloob niyo na po Ama sa inyong Appointed Son, ipinagkaloob niyo na po Ama sa bawat isa na faithful sons and daughters Ama,” opening prayer na pinangunahan ni Bro. Fahad Sangkula, KOJC Minister.
Dala ang pag-asa sa kanilang mga puso, mataimtim na nanalangin ang lahat sa Dakilang Maykapal para sa patnubay at katarungan at hindi lamang laban sa mabuting Pastor kundi pati na rin sa buong bansa.
At sa pananampalatayang dininig na ang kanilang mga panalangin sa Ama, lahat ay sumayaw sa pagpupuri at pasasalamat sa Amang Makapangyarihan.
“Nandito po ako kasama ko po ang pamilya ko, kami po ay nakikiisa sa aming mahal na Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga pangyayari ngayon. Mula noon hanggang ngayon, ang nakita ko kay Pastor, ang aral ni Pastor sa amin, na maging mabuti kaming citizens sa Pilipinas at higit sa lahat sa spiritual aspect sa spirito. Tinuturuan kami ni Pastor na maging mabuting citizens tapos ganito ang ginawa nila sa ating mahal na Pastor,” ayon kay Pedro Estillore, KOJC Area Minister.
“As a KOJC Youth, Pastor has taught us nothing but love, goodness, and then si Pastor mismo makikita mo na pagmamahal lang iyong pinapakita sa amin. He was the one who showed his love for us. Ngayon naman mga kababayan, it’s now our time to show our love for him, to reciprocate that love. Dahil nasa katotohanan kami, ang katagumpayan ay nasa amin na. That is why ‘yung pagsayaw namin, ‘yung pagkanta namin, we are thankful to the Almighty Father our God na sinagot niya ang aming mga dalangin,” ayon kay Hans Marcial, KOJC Youth.
“Nakikita ninyo may mga musical instrument kami, kaya napapansin ninyo lahat kami dito ay masasaya, kasi masasaya ‘yung mga awitin at tsaka sa Bible times kasi sa Old Testament, ang ginamit ng Dakilang Ama ay mga musical instrument para talunin ‘yung mga kalaban sa panahon ni Moses sa panahon ni Joshua kaya ngayon ang gagamitin namin, musical instrument din, mga papuri, mga pasasalamat sa ating Dakilang Ama, para ang lahat ng ating dalangin at hinaing ay kaniyang sasagutin,” wika naman ni Joseph Ondong, KOJC Full-time Missionary Worker.
Kasabay ng kanilang mga sayaw ay ang papuri sa Ama at pag-alay ng kanilang taos pusong pasasalamat sa patnubay at gabay na ibinubuhos ng Maykapal.
Sama-sama ang Kingdom members, full-time workers, at mga tagasuporta ni Pastor Apollo na patuloy na magpapakita sa buong bansa at buong mundo na sa pamamagitan ng mga prayer rally na ito—ang kapangyarihan ng pagkakaisang pananampalataya, pananalig, at dalangin sa Dakilang Ama, didinggin ng Panginoon ang mga iyak at dasal ng mga matutuwid.
At sa pamamagitan ng mga dalanging ito—nais nilang magbigay ng inspirasyon para sa pagbabago sa lipunan kung saan nananaig ang katarungan at pagkakapantay-pantay.