Mga tao sa BuCor, inobliga na magsuot muli ng face mask

Mga tao sa BuCor, inobliga na magsuot muli ng face mask

OBLIGADONG magsuot ng face mask ang ilang personalidad sa mga gusali o pasilidad ng Bureau of Corrections (BuCor).

Kabilang sa mandatory na muling paggamit ng face mask ang mga on-duty personnel, mga bibisita sa mga persons deprived of liberty (PDLs), abogadong makikipag-usap sa mga kliyenteng preso, papasok sa gusali ng BuCor at maging mga magtutungo at may transaksiyon sa BuCor.

Layunin ng kautusan na maiwasang nakapasok sa mga pasilidad ng BuCor ang virus na dala ng iba’t ibang sakit na posibleng kumalat sa napakaraming mga bilanggo.

Nauna nang inirekomenda ni Department of Health (DOH) Sec. Teodoro Herbosa na ibalik ang optional na pagsusuot ng face mask dahil tumataas na naman ang bilang ng mga nagkakasakit partikular sa respiratory cases.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble