IBINIDA ng Philippine Embassy sa Southeast Asia New Year Market sa Beijing, China ang ilang tatak-Pinoy na mga tela.
Halimbawa sa mga ito ay ang piña, inabel, T’nalak, at ikat.
Ayon kay Philippine Ambassador Jaime Florcruz, paraan nila ito upang maipakilala ang mga tela mula sa Pilipinas sa Chinese market.
Enero 17 nang binuksan ang naturang Southeast Asia New Year Market sa Beijing.
Samantala, maliban sa mga tatak-Pinoy na tela ay ibinida rin ang iba’t ibang prutas sa naturang promotions fair.