BAWAL dumaan ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa EDSA Bus Carousel maliban sa mga emergency vehicle ng ahensiya ayon kay MMDA Acting Chairman Romado Artes.
Kasunod iyan ng pagkahuli ng dalawang shuttle buses ng MMDA sa operasyon ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) sa Main Avenue Station nitong Huwebes ng umaga.
Paliwanag ni Artes na nagkaroon lamang ng kalituhan sa inisyung direktiba ng MMDA noong Pebrero 20, 2024 na nagsasabing pinapayagan na dumaan ang mga bus ng ahensiya sa bus carousel.