Mga tauhan ng MRT na nagpositibo sa COVID-19, umakyat na sa 127

Mga tauhan ng MRT na nagpositibo sa COVID-19, umakyat na sa 127

NADAGDAGAN pa ng 36 ang bilang ng mga tauhan ng MRT-3 na nagpositibo sa COVID-19.

 

Ayon kay Transportation Undersecretary for Railways TJ Batan, mula sa 92 na naitala noong Martes ay umabot na ngayon sa 127 ang mga nagpositibo sa COVID-19.

 

Sa nasabing bilang, tatlo aniya ay tauhan ng MRT-3 depot habang ang 124 ay mga tauhan ng MRT-3 maintenance provider Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries-TES Philippines.

 

Sinabi naman ni MRT-3 Director Michael Capati na naka-quarantine na ang mga COVID -19 infected personnel.

 

Tiniyak rin ng DOTr na COVID-19 free pa rin ang lahat ng station personnel ng railways.

 

Sa Lunes, July 6, babawasan ng MRT-3 ang mga bumabiyaheng tren bunsod ng pagdami ng MRT-3 depot personnel na may coronavirus.

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.