Mga tauhan ng PDEA Regional Office IV-A, drug-free!

Mga tauhan ng PDEA Regional Office IV-A, drug-free!

IPINAGMAMALAKI ng PDEA CALABARZON ang pagiging drug-free ng mga tauhan nito matapos na sumailalim sa drug test.

Kasabay ng pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control Week 2024 na isinagawa nitong Lunes Nobyembre 18, 2024.

Sa ilalim ng temang “Prioritizing Health-Based Approach in Drug Abuse Prevention and Control”, pinatunayan ng PDEA Region 4-A na negatibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang mga personnel nito.

Kinumpirma naman ito ng Forensic Laboratory Section ng Rehiyon.

Layon ng nasabing hakbang na maitaguyod ang nakasaad sa Republic Act No 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at DDB Regulation No. 13 Series of 2018 na maipabatid sa publiko na mapagkakatiwalaan ang serbisyo ng PDEA 4-A sa laban ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Batay sa DDB Regulation, kailangang matiyak na ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan at iba pang tagapagpatupad ng batas ay ligtas sa paggamit, pagbibenta at transaksiyon sa ilegal na droga.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble