IPINAG-utos ni PMGen. Edgar Alan Okubo sa mga district officers na tanggalin ang telebisyon set sa mga desk na nasa police station sa buong Kalakhang Maynila.
Ito ay upang mas mapabuti pa ang pagbibigay ng serbisyo sa taong bayan.
Ayon kay PMGen. Okubo na base sa resulta ng kanilang ginawang pagmamatyag sa mga estasyon ng pulis, mayroong iilan na mga desk officers ang hindi naaasikaso nang mabuti ang isang indibidwal na nangangailangan ng assistance o tulong
“Ayon sa NCRPO chief, matagal nang derektiba ito ngunit hindi pa ito fully complied sa buong Metro Manila kaya naman gagawa ito ng formal memo na ipapababa sa mga district officers,” saad ni PMGen. Edgar Alan O. Okubo, Regional Director, NCRPO.
Maliban sa pagtanggal ng TV sets sa desk office ay ipinagbawal din ng heneral ang pagamit ng cellphone habang naka-duty.
Sa unang offense na hindi susunod ay pagpapaliwanagin ang hepe ng police station kung bakit hindi tinanggal ang telebisyon sa desk office habang sa pangalawang pagkakataon na ito ay hindi sinunod ay may masasampahan ng kasong administratibo.
Matatandaan na kakaupo palang ni PMGen. Okubo bilang regional director ng NCRPO ay mahigpit na nitong bilin na ibigay sa taong bayan lalo na sa mga lalapit sa mga estasyon ang full attention at magandang serbisyo.
Bago pa man ito ay nagtalaga na ang ncrpo ng mga babaeng desk officers sa ibang estasyon upang mapaganda ang pagbibigay ng serbisyo sa taong bayan.
Naniniwala kasi si PMGen. Okubo na mas mainam na ilagay ang mga babaeng pulis sa desk office kumpara sa mga lalakeng pulis.