PINALAKAS pa ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) ang mga polisiyang lalaban sa katiwalian sa loob ng ahensiya.
Kasunod ito sa nilagdaan kamakailan ni DHSUD Secretary Jose Rizalino Acuzar na memorandum.
Sa naturang memo, hindi niya kukunsintihin ang anumang uri ng katiwalian, iregularidad at peddling lalo na sa mga kamag-anak ng mga opisyal o empleyado nito.
“Violators will be prosecuted to the full extent of the law,” pahayag ni Sec. Jose Rizalino Acuzar, DHSUD.
Tiniyak ng housing czar sa publiko na susundin ng ahensiya ang mga batas o direktiba na mandato nito.
Bukas din sila sa mga pampublikong feedbacks upang matiyak ang patuloy na pagpabubuti sa kanilang paghahatid ng serbisyo.
Inilabas din ng kalihim ang nasabing memorandum bilang bahagi ng proactive measures ng DHSUD laban sa mga scammer na maaaring magsamantala sa pagpatutupad ng flagship ng National Housing for Filipino Housing (4PH) Program.
Binigyang-diin niya na dapat lamang makipagtransaksiyon ang publiko sa DHSUD, mga pangunahing shelter agencies nito, iba pang tanggapan ng gobyerno at partner-local government units, at hindi sa mga pribadong indibidwal o grupo.
Ang pagtatayo ng mga housing units para sa flagship program ay nilalayong tugunan ang backlog ng bansa na mahigit 6.5 milyong unit.