HINIMOK na isumbong sa Philippine National Police (PNP) ang mga tiwaling pulis.
Hinimok ng PNP ang publiko na ipagbigay-alam sa kanila ang mga ilegal na gawain ng mga pulis.
Ito’y kasunod ng pagkakaaresto sa dalawang pulis at isang sibilyan na sangkot sa umano’y pangongotong sa mga operator at driver ng tricycle sa Bacoor City, Cavite.
Ayon kay PNP chief PGen. Benjamin Acorda, Jr., hindi dapat mag-alinlangan ang publiko na magsumbong dahil may mga matitinong pulis na handang tumulong.
Kasabay nito, pinaalalahanan ng Chief PNP ang mga police commander na mahigpit na paiiralin ang one-strike policy sakaling mahuli ang kanilang tauhan.
Tiniyak naman ni Acorda na nagpapatuloy ang kanilang Internal Cleansing program sa PNP upang maalis ang mga tiwaling pulis.