Mga TNVS at PUV, binalaan ng LTFRB hinggil sa diskwento para sa mga senior citizen, PWD at estudyante

Mga TNVS at PUV, binalaan ng LTFRB hinggil sa diskwento para sa mga senior citizen, PWD at estudyante

NAGBABALA ngayon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga pampublikong transportasyon hinggil sa pagpapatupad ng diskwento sa ilang mga pasahero.

Ang pahayag na ito ng LTFRB ay matapos makatanggap nang reklamo mula sa mga pasahero na may ilang transport network vehicle services (TNVS) at dyip at bus (PUV) ang hindi kumikilala sa mga diskwento.

Dahil diyan, nagbabala ang ahensya sa mga pampublikong transportasyon na sundin ang fare discounts para sa senior citizens, persons with disabilities, at mga estudyante.

Ito ay alinsunod sa Republic Act no. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 at Republic Act no. 7277 o ang Magna Carta for Disabled Persons, kailangan ng 20% fare discount para sa mga senior citizen at PWD.

Binigyang-diin ng LTFRB na sinumang operator at tsuper na hindi susunod sa mga regulasyong ito ay mahaharap sa matinding parusa.

“Such practices go against the law and are a disservice to the commuting public,” ayon kay Asec. Teofilo Guadiz III Chairman, LTFRB

Kabilang sa mga parusa ang pagmumulta, suspensyon o pagbawi ng prangkisa para sa mga paulit-ulit na paglabag.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter