Mga tricycle drivers na nagsusuot ng facemask na bigay ng Lacson-Sotto tandem, hinaharass

Mga tricycle drivers na nagsusuot ng facemask na bigay ng Lacson-Sotto tandem, hinaharass

KINUWESTIYON ni Senator Ping Lacson ang diumanoy report ng harassment na tinanggap ng mga tricycle drivers mula sa mga pulis sa Maynila dahil sa pagsususot ng facemask na ibinigay ng Lacson-Sotto tandem.

Batay aniya sa report, pinipilit ang mga tricycle drivers na baliktarin ang naturang facemask para hindi makita ang Lacson-Sotto na nakaprint sa facemask.

Naniwala si Lacson na walang ganung direktiba mula sa PNP at nagtataka raw ito kung bakit sa lungsod lamang ng Maynila ito nangyayari.

Tanong ni Lacson na baka may pinapaborang kandidato ang mga pulis ng Maynila.

Tiniyak naman kay Lacson na susuriin ng PNP ang report.

SMNI NEWS