NAGBABALA ang Ecowaste Coalition laban sa ibinibenta na mga tumbler na may mataas na antas ng lead.
Ayon sa grupo, ang lead ay isang mapanganib na kemikal para sa mga bata.
Sa pamamagitan ng X-ray fluorescence test, natuklasan na 11 unbranded tumbler na nabili sa Binondo at Quiapo ay may lead content na lampas sa legal limit na 90 parts per million o ppm.
Ang pinakamataas na kanilang nadiskubre ay umabot ng 61,850 ppm.
Ipinagbawal na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang paggamit ng lead o tingga sa mga pintura para sa school supplies simula noong taong 2016 at para sa industrial use simula noong 2019.
Ngunit makikitang patuloy pa rin itong ginagamit sa merkado.