Mga turista mula Metro Manila, puwedeng mag-rebook na walang bayad

MAAARING mag-rebook na walang bayad ang mga turista mula sa Metro Manila at sa apat na probinsiya sa loob ng bubble nito para sa kanilang planong pagbakasyon sa Holy Week.

Ito’y matapos na humiling ang mga doktor sa Inter-Agency Task Force against COVID-19 na limitahan ang galaw sa loob ng epicenter ng virus at sa mga kalapit na probinsiya nito sa loob ng dalawang linggo dahil sa pagtaas ng bilang ng kaso ng coronavirus 2019 o COVID-19.

Pinahintulutan naman ang staycation sa loob ng National Capital Region (NCR), Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal na may age restrictions.

Lahat ng edad 15 pababa at 65 pataas ay pinagbabawal sa staycations ayon kay Tourism Secretary Bernadette-Romulo Puyat.

Isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang NCR, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa ilalim ng general community quarantine na may karagdagang restriksyon para sa pagpigil sa paglaganap ng virus.

(BASAHIN: Isolation at quarantine measures ng LGUs, mas paigtingin pa)

Naitala sa bansa ang 7,757 bagong kaso ng COVID-19 upang umabot na sa kabuuang 663,794 ang kaso nito.

Maaaring aabot pa sa 10,000 ang bawat araw na bilang ng bagong kaso sa katapusan ng buwang ito kung mananatili ang daily trend ng virus ayon sa OCTA Research team.

Ayon sa grupo, malamang ang kalahati ng numero ay maitatala sa NCR.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.